
Nagbanta ang rebeldeng grupong Houthi na nakahanda silang gumanti sakaling sumali ang Washington sa lumalalang tensyon sa pagitan ng Houthis sa Yemen at Saudi Arabia.
Nagbabala rin ang grupo na ituturing nitong target ang mga American interests sa rehiyon kapag nagbigay ng military support ang U.S. sa Saudi Arabia.

Nanindigan ang Iran na hindi sila yuyuko sa pressure at mga banta ng United States.
Ito ay sa kabila ng muling pag-uusap ng Washington at Tehran sa gitna ng patuloy na tensyon sa pagitan ng dalawang bansa.

Iginagalang ng Malacañang ang panawagan ni US President Donald Trump na kumalas ang mga bansa sa International Criminal Court (ICC).
Ginawa ni Trump ang panawagan kasabay ng idinaraos na United Nations General Assembly (UNGA) sa New York.

Binago na ng impeachment court ang basehan para sa ⅔ conviction threshold sa impeachment trial kay Vice President Sara Duterte.
Dahil dito, bukas ang posibilidad na dumulog ang kampo ni VP Duterte sa Korte Suprema para kuwestyunin ang naging desisyon.

Iginiit ng House prosecution na hindi nagiging madali ang trabaho nito kasunod ng bagong desisyon ng Senate impeachment court sa voting threshold para sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte.
Gayunman, ayon sa panel, mas mainam na nalutas na ang usapin sa kalagitnaan ng impeachment trial.