Back

UNTV News and Rescue

1:33
Politics

Umano’y pneumonic plague sa Russia, mahigpit na binabantayan ng U.S. — Pres. Trump

October 6, 2026 2:50 PM
PST

Mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad sa Estados Unidos ang napapabalitang pneumonic plague sa Russia.

Ito ang pahayag ni U.S. President Donald Trump matapos mamatay ang isang empleyado ng Irkutsk Anti-Plague Research Institute of Siberia and the Far East, isang anti-plague research laboratory sa bansa.

1:35
Politics

EO para pababain ang presyo ng diesel sa Amerika, nilagdaan ni Pres. Trump

October 6, 2026 2:48 PM
PST

Lumagda sa isang executive order si U.S. President Donald Trump na layong pababain ang mataas na presyo ng diesel sa Amerika.

Sa ilalim ng kautusan, pansamantalang palalawakin ang paggamit ng red-dyed diesel, na karaniwang nakalaan sa off-road vehicles at machinery, para magamit din sa mga highway.

2:26
Politics

NBI, hinamon si VP Sara na patunayan ang umano’y perjury violation ni Gracioso

October 6, 2026 2:47 PM
PST

Hinamon ng National Bureau of Investigation ang kampo ni Vice President Sara Duterte na patunayan ang umano’y perjury violation ni dismissed patrolman Rodulfo Gracioso Jr. kaugnay ng sinumpaang salaysay nito tungkol sa pag-deliver ng pera sa pamilya Duterte.

1:25
Politics

Perjury case vs. Graciano, inaasahang isasampa ng NBI kapag napatunayang mali ang alegasyon

October 6, 2026 2:46 PM
PST

Itinanggi ni Vice President Sara Duterte ang ilang alegasyon ni dismissed police officer Rodulfo Graciano Jr. kaugnay ng umano’y paghahatid sa kanya ng mga maletang naglalaman ng pera.

Sa pahayag ng Bise Presidente, hindi umano totoong nasa Marinduque sila ni dating Davao City Chief Information Officer Jefry Tupas noong long holiday ng April 2019 at wala rin sila sa Maynila noong September 21, 2019.

3:12
Politics

Kampo ni VP Sara, iginiit na walang hawak na ebidensya si ex-patrolman Gracioso

October 6, 2026 2:45 PM
PST

‘Nagsisinungaling at walang hawak na ebidensya.’

Ito ang iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng alegasyon ni dismissed patrolman Rodulfo Gracioso Jr. na nag-deliver umano siya ng kahon-kahon at male-maletang pera sa pamilya Duterte.

Samantala, susuriing mabuti ng kampo ni dating House Speaker Lord Allan Velasco ang nilalaman ng sinumpaang salaysay ni Gracioso kaugnay ng mga alegasyon nito.