
Mahigpit na binabantayan ng Estados Unidos ang napaulat na posibleng kaso ng pneumonic plague sa Siberia, Russia, sa kabila ng pagtitiyak ng Moscow na stable at kontrolado ang sitwasyon.
Ayon sa White House, handa rin ang Estados Unidos na tumulong kung kakailanganin upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng nakamamatay na sakit.

Mariing tinutulan ng ilang opisyal sa California si U.S. President Donald Trump matapos nitong sabihing maaaring atakihin ng Iran ang Los Angeles at San Diego.
Ginawa ni Trump ang pahayag sa isang midterm election rally sa Nebraska.

Iniimbestigahan na ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang grupo ni Saddam Siddik bilang nasa likod umano ng ambush sa military convoy sa Tipo-Tipo, Basilan noong Lunes ng umaga.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, pagganti umano ito sa naunang operasyon laban sa grupo ni Siddik, na iniuugnay naman sa illegal drug trade.

Nagpaliwanag ang kampo ni Sen. Jinggoy Estrada kaugnay ng pag-turnover ng halos walang laman na opisina kay Senate President Pro Tempore Vicente Sotto III.
Ayon sa tanggapan ni Sen. Estrada, naipagpaalam na kay Sen. Sotto na ililipat sa bagong opisina ng senador ang mga fixture, furniture at iba pang materyales.

Sinimulan nang silipin sa impeachment trial ang milyong pisong halaga sa bank accounts nina Vice President Sara Duterte at asawang si Atty. Manases Carpio.
Sa pagtaya ng prosekusyon, mula 2022 hanggang 2025, mahigit P190-M umano ang total ending balance sa 30 bank accounts ng mag-asawa na hindi deklarado sa Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALNs) ng Bise Presidente.