
Sinuri sa impeachment trial ang joint account sa BPI ng mag-amang dating Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Sara Duterte.
Inusisa ang mga transaksyon sa account, kabilang ang time deposits at manager’s check purchase transactions mula 2010. Gayunman, natukoy na walang pirma ang Bise Presidente.

Nahaharap ngayon sa malaking problema ang supply ng langis sa mundo, ayon kay United States President Donald Trump.
Ito ay dahil sa malaking pinsalang dulot ng giyera sa mga oil refinery na mahalaga sa pagproseso ng crude oil.

Pinaplano na ng Israeli government ang pagkakaroon ng direct flight mula sa Pilipinas patungong Israel, ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Dana Kursh.

Tiniyak ng Malacañang na handa ang pamahalaan sa pagtugon sa pagtaas ng inflation rate o antas ng pagmahal ng mga bilihin at serbisyo.
Ayon sa Palasyo, may ginagawa nang hakbang ang gobyerno para tugunan ang hamong ito.

Makikipag-ugnayan ang National Bureau of Investigation sa Department of Justice at House of Representatives para sa posibleng pagkansela ng pasaporte at travel authority ni Batangas First District Representative Leandro Leviste.