
Nananatiling unbeaten ang PNP Responders sa pagpapatuloy ng elimination round ng UNTV Cup Executive Faceoff 2026.
Kahapon, dikit na laban ang ibinigay ng Radiance sa Responders, ngunit nagtapos ang laro sa tatlong puntos na kalamangan ng PNP team.

Tiniyak ng pamunuan ng Iran na bukas sila sa diplomatikong solusyon para wakasan ang digmaan sa Gitnang Silangan, ngunit nananatiling handa sa all-out war sakaling muling umatake ang Estados Unidos at Israel.
May sagot din ang Tehran sa banta ni U.S. President Donald Trump na gagamitin umano ang ‘mother of all bombs’ laban sa Iran.

Alinsunod sa utos ng International Criminal Court Trial Chamber III, inalis na ng ICC prosecution ang isang drug war-related incident sa trial brief laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Naniniwala si Vice President Sara Duterte na dapat managot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ideklarang labag sa Saligang Batas ang 2024 at 2025 General Appropriations Act, gayundin ang ilang bahagi ng 2026 GAA.
Gayunman, giit ng Malacañang, hindi maaaring managot ang Pangulo sa naturang usapin dahil wala naman umano itong nilabag na probisyon ng Konstitusyon.

Sinagot ni Philippine Coast Guard spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Jay Tarriela ang mga naging banat sa kanya ni dating National Security Adviser Professor Clarita Carlos.
Sa isang panayam, sinabi ni Professor Clarita Carlos na dapat manahimik si Rear Admiral Tarriela at kumuha ng duct tape upang takpan ang kanyang bibig.