
"Tinawag na “birthday gift” ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy, kasabay ng ika-74 na kaarawan ni Vladimir Putin, ang malawakang pag-atake ng Moscow sa Ukraine na ikinasawi ng mahigit 20 tao.
Aminado naman ang Estados Unidos na nahaharap sa “dangerous stalemate” ang negosasyon sa pagitan ng Russia at Ukraine dahil sa patuloy na pagkakaiba ng posisyon ng dalawang panig."

Muling isinara ang ilang paliparan sa Saudi Arabia dahil sa mga pag-atake ng Houthi, sa gitna ng umiigting na sagupaan sa pagitan ng Saudi-backed forces at Iran-backed groups sa Yemen.
Sa kabila ng paglala ng tensyon sa rehiyon, inihayag naman ng Türkiye na hindi ito magpapadala ng mga sundalo para magsagawa ng pag-atake laban sa Houthi.

Bumaba sa negative 11 ang satisfaction rating ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. batay sa resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey.

Nauunawaan umano ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang lahat ng konsiderasyon at mga pangyayaring nag-uudyok sa pagbabago ng alyansa sa politika.
Ginawa ni Sen. Cayetano ang pahayag kasunod ng sorpresang paglipat ni Sen. Mark Villar sa Senate majority bloc kahapon, October 8.

Naantala ng halos 10 oras ang medical evacuation ng isang tauhan ng Philippine Navy na nakaduty sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ito ay matapos harangin at bombahin ng water cannon ng China Coast Guard ang mga asset ng Philippine Coast Guard na magsasagawa ng medical evacuation.