
Dalawang Indian seafarers ang nawawala matapos ang umano'y drone attack sa isang tanker sa Sohar Anchorage, Oman.

Sinimulan na ngayong araw, October 12, ng Sandiganbayan ang pagdinig sa bail petition ni dating House Speaker at Leyte First District Representative Martin Romualdez.
Sa unang araw ng pagdinig, iniharap ng prosekusyon ang dating bodyguard ni Zaldy Co bilang testigo upang tutulan ang hiling ng dating lider ng Kamara na makapagpiyansa.

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang naging pag-uusap nila ng isang kaibigan na dumalo sa kaniyang kaarawan.
Ayon sa kaibigan, mas matindi umano ang nararanasang paninira kay VP Duterte kumpara sa pinagdaanan ni dating Vice President Jejomar Binay.

Piniimbestigahan na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isyu kaugnay ng umano’y pagtanggap ni VP Sara ng pera mula sa gobyerno at mga korporasyon ng China.

Kinuwestiyon ni Davao City First District Representative Paolo “Pulong” Duterte kung bakit kailangan pa siyang hingan ng panig ng National Bureau of Investigation o NBI kung 99.9% namang totoo ang mga pahayag ni Rodulfo Gracioso Jr. batay sa lie detector test.