
Dumipensa ang Malacañang sa mga kritiko ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos batikusin ng ilan ang pahayag ng pangulo tungkol sa pagbili ng mga balde bilang paghahanda sa epekto ng Super El Niño.

Kumpiyansa si U.S. President Donald Trump na hindi magbibigay ng tulong ang China at Russia sa Iran, taliwas sa mga lumalabas na ulat.
Ayon kay Trump, kung may ibinibigay mang suporta ang dalawang bansa, minimal lamang ito at mabilis itong malalaman ng U.S. Dagdag niya, malaki ang mawawala sa China at Russia kung susuportahan nila ang Iran.

Bumuwelta si Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy kay U.S. President Donald Trump matapos sisihin ang Ukraine sa mataas na presyo ng diesel.
Ayon kay Zelenskyy, malinaw sa buong mundo na ang malaking problema sa langis ay dulot ng digmaan sa Middle East, partikular sa Strait of Hormuz.

Dinipensahan ng Malacañang ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. tungkol sa pagbili ng balde upang may ipangsahod sa tubig-ulan.
Ayon sa Palasyo, hindi lamang pag-iipon ng tubig ang binanggit ng Pangulo kaugnay ng mga hakbang ng gobyerno sa pagtugon sa epekto ng very strong El Niño.