Back

UNTV News and Rescue

4:50
Politics

Trump, may makahulugang banta laban sa Iran; US President, dapat umanong parusahan ayon sa Iran

October 15, 2026 9:54 PM
PST

Nagbabadyang maglunsad ng malaking pag-atake ang Amerika laban sa Iran batay sa pinakahuling pahayag ni United States President Donald Trump.

Naubusan na umano ng pasensya ang US leader, at ang pananahimik ng US military sa ngayon ay isang pahiwatig.

Giit naman ng Iran, dapat lang na maparusahan si Trump dahil sa umano’y paglabag nito sa kasunduan.

‍

3:05
Politics

Higit 100 maleta ng pera, personal na inihatid umano ng ex-aide ni Zaldy Co kay Rep. Romualdez

October 15, 2026 10:32 PM
PST

Iniharap ng prosekusyon ang isa pang dating security aide ni Zaldy Co bilang testigo sa nagpapatuloy na bail hearing ni dating House Speaker Martin Romualdez.

Sa testimonya nito, mahigit 100 maleta na umano'y naglalaman ng milyun-milyong piso ang personal nilang inihatid sa bahay ng dating lider ng Kamara.

‍

‍

2:40
Politics

SALN ni Rep. Pulong Duterte, pinag-aaralang silipin ng NBI

October 15, 2026 9:44 PM
PST

Pinag-aaralan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagsuri sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Davao City Rep. Paolo ‘Pulong’ Duterte bilang bahagi ng imbestigasyon sa mga idineklarang ari-arian ng kongresista.

Samantala, nilinaw ng NBI na hindi Casas Con Vistas ang resort na tinutukoy nitong pag-aari ng mambabatas.

‍

5:46
Politics

Paglipat ni Rep. Sandro Marcos sa Lakas-CMD, walang kaugnayan sa impeachment – Rep. Luistro

October 15, 2026 9:41 PM
PST

Itinanggi ni House prosecutor at Batangas 2nd District Rep. Gerville Luistro na may kaugnayan sa impeachment trial ang paglipat sa Lakas-CMD ni House Majority Leader at presidential son Sandro Marcos mula sa Partido Federal ng Pilipinas.

Samantala, pinabulaanan ni House Deputy Speaker at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin ang ulat na posibleng maging bise presidente si Speaker Faustino ‘Bojie’ Dy III sakaling tuluyang ma-convict at matanggal sa puwesto si Vice President Sara Duterte.

‍

54:52:00
Crime & Investigation
Entertainment
Health & Lifestyle
Lifestyle
Politics

UNTV: C-NEWS | October 15, 2026

October 15, 2026 1:49 PM
PST

-Ilang Senador, nagpahayag ng reaksyon sa withdrawal ng 3 articles of impeachment vs VP Sara; Prosecution dumipensa sa kritisismo

-Pag-amyenda sa Oil Deregulation Law, muling tinalakay sa Senado

-Piso, muling sumadsad sa panibagong all-time low