.png)
Suportado ng Philippine National Police (PNP) ang mga pahayag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kaugnay ng imbestigasyon sa bigong shipment ng iligal na droga mula Laos patungong Pilipinas.
Ayon sa pulisya, pareho ang impormasyong hawak nito at ng PDEA na isang politiko mula Mindanao ang financier ng nabigong shipment ng iligal na droga.
.png)
Nais imbestigahan ng House of Representatives ang napaulat na Chinese remittances na natanggap ng kumpanyang iniuugnay kay Vice President Sara Duterte at sa kanyang asawang si Atty. Manases Carpio.
Ayon kay House Deputy Speaker at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, plano nilang isagawa ang imbestigasyon habang naka-recess ang Kamara.

-Ilang Senador, nag-react sa mga kritisismo kaugnay ng withdrawal ng prosekusyon sa 3 articles of impeachment vs VP Sara
-National Bureau of Investigation, may tinitingnan nang lead sa nasa likod ng shipment ng droga na nasabat sa Laos
-Philippine Coast Guard, naniniwalang direktang banta sa Pilipinas ang naging pahayag ni Chinese Ambassador Jing Quan; Pangulong Ferdinand Marcos Jr, ipatatawag ang Chinese Ambassador

Hindi pa rin nababahiran ng pagkatalo ang AFP Cavaliers sa elimination round ng UNTV Cup Executive Face Off 2026.

Tutol ang Germany sa paglipat ng mga frozen asset ng Russia sa ilalim ng kontrol ng Estados Unidos.