Manuel Quezon

Ama ng Wikang Pambansa

Naitalagang Ikalawang Pangulo ng bansa noong ika-15 ng Nobyembre 1935.

Bagaman ikalawa, sa kanyang pagkakaupo bilang ama ng bansa, marami ang naitala sa ilalim ng kanyang pangalan bilang “una”.

Tinalo niya si Pangulong Emilio Aguinaldo, sa kauna-unahang halalang pambansa.

Si Quezon ang Unang Pangulo ng Philippine Commonwealth.

Siya rin ang unang presidente ng bansa na nanungkulan ng dalawang termino.

Bilang pangulo, kabilang sa kanyang mga nagawa ang mga sumusunod:

Nagkakaroon ng batas na nagtatakda ng minimum wage para sa mga obrero. Kasabay nito ang pagkaka-apruba ng batas na nagtatakda naman ng walong oras kada araw lamang na pagtatrabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

Sa kanyang pamumuno, lumago ang ekonomiya ng Pilipinas. Naging maayos din ang Sektor ng Agrikultura na nagbigay-daan sa paglago ng kalakalan sa Sektor Pagluluwas ng mga produkto sa buong mundo.

Binigyang prayoridad ni Quezon ang edukasyon. Kaagapay si Rafael Palma, ang dating presidente ng Unibersidad ng Pilipinas, naitatag ang National Council of Education. Sa pamamaraang ito, nabigyang tugon ang pagdami ng mga pampublikong paaralan sa buong bansa.

Bukod sa pagbibigay kahalagahan sa kinabukasan ng mga kabataan, sa Administrasyong Quezon din nagkaroon ng karapatang bumoto ang mga kababaihan.

At sa lahat ng mga ginawa ni Pangulong Quezon, ang pagdedeklara sa Tagalog bilang Pambansang Wika ang tumatak sa kanyang pangalan. Ini-utos nya ang pagtuturo nito bilang asignatura sa mga paaralan simula noong 1940.

Muling naihalal na pangulo si Quezon noong 1941. Ngunit hindi ito naging madali dahil kasabay nito ang pag-uumpisa ng Pangalawang Digmaang Pandaigdig kung kailan sinakop ng mga Hapon ang ating bansa.

Palipat-lipat ang kanyang naging opisina bunga ng sitwasyong ito. Una sa Corregidor, kung saan siya nanumpa para sa kanyang pangalawang termino.

Sa pag-iwas na madakip ng mga Hapon, nakapagtatag din siya ng kanyang opisina sa Visayas at sa Mindanao. Sa imbitasyon ng Amerika, tumungo siya sa Amerika, kung saan niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamahala hanggang sa mga huling sandali ng kanyang buhay.

Manuel Quezon, ang Ikalawang Pangulo ng Pilipinas.

Ibang Pangulo

Benigno Aquino III

Termino : 2010-2016

Gloria Macapagal-Arroyo

Termino : 2001-2010

Joseph Estrada

Termino : 1998-2001

Fidel Ramos

Termino : 1992-1998

Corazon Aquino

Termino : 1986-1992

Ferdinand Marcos

Termino : 1965-1986

Diosdado Macapagal

Termino : 1961-1965

Carlos P. Garcia

Termino : 1957-1961

Ramon Magsaysay

Termino : 1953-1957

Elpidio Quirino

Termino : 1948-1953

Manuel Roxas

Termino : 1946-1948

Sergio Osmeña

Termino : 1944-1946

Jose P. Laurel

Termino : 1943 - 1945

Emilio Aguinaldo

Termino : 1897-1902