Published On: Wed, Jul 18th, 2012

Video sa Facebook, naging lead sa isang murder case

CHICAGO, USA — Tatlong teenager ang nahaharap ngayon sa isang first degree murder case matapos arestuhin ng Chicago Police. Nahuli ang tatlo dahil na rin sa video na ipinasok ng mga ito sa kanila mismong Facebook account.

Si Malik Jones, 16, ang diumano ay mahilig maglaro ng “pick ‘em out and knock ‘em out” nang mapag tripan nitong suntukin sa panga ang isang 64 anyos na si Delfino Mora.

Sa paliwanag ng abogado ni Mora na si Tandra Simonton, ang 2 namang kaibigan ng binata na sina Nicholas Ayala, 17, at Anthony  Malcom, 18, ang di-umano’y kumuha ng video gamit ang cellfone ni Malik bago i-post sa Facebook nitong Lunes.

Ang tatlong binata ay nakakulong ngayon at pinagbawalang magpiyansa hanggat hindi pa sila nakakausap sa Korte sa Agosto 13. Dagdag pa ni Simonton, “All three were being charged as adults with first-degree murder.”

Si Mora ay may 12 anak at kasalukuyang nangangalap ng mga lata at scrap metal upang ibenta sa pasilya ng Chicago nang makita siya umano ng tatlong binata na nuon ay naghahanap ng kanilang bagong biktima.

“I think I’m going to knock this guy out.” narinig pang sinabi ni Jones sa video.
Iniwan umano ng mga binata ang nakahandusay na matanda na duguan dahil sa matinding pagkabagok nito sa ulo.”

Si Mora ay namatay sa cranial-cerebral injury , head trauma at asthma kinabukasan matapos ang insidente sa St. Francis Hospital, ayon sa Cook County medical examiner.

Nakita ang video ni Jones sa Facebook ng isang lalake na diumano’y naging biktima din ng binata nuong Hunyo 30. Ipinakita na nasabing biktima ang video sa mga anak ni Mora na siyang naging ebidensiya para sa kaso. (UNTV News)

  • maggie

    kawawa naman po si mora, kawa din yung mga anak nya na umaasa sa kanya :(

  • maggie

    sama nman po ng ugali ng 3 yan.. cguro hndi naturuan ng magulang n magandang asal