Velasquez, Magsasampa ng Reklamo sa Korte Suprema Matapos Ma-Disqualify Bilang CJ Nominee
MANILA, Philippines – Maghahain ng reklamo sa Korte Suprema ang na-disqualify na nominee sa pagka-chief justice na si Attorney Vicente Velasquez.
Ayon kay Velasquez, hindi makatarungan ang pagkaka-disqualify sa kanya dahil sa kabiguan niyang makapagsumite ng kumpletong dokumento sa Judicial and Bar Council (JBC).
Tinawag din nitong kakatwa ang paghingi sa kanya ng JBC ng ombudsman clearance.
“I will bring the matter to the SC en banc and question the authority of the JBC to abuse their power in requiring ridiculous release. Alam nila na hindi naman ako goverment employee, but they are asking me for an ombudsman clearance, ridiculous isn’t it?”
Isa si Velasquez sa mga nagsusulong ng Jury Trial System sa bansa.
Sa pamamagitan nito ay maibabalik aniya ang tiwala ng taumbayan sa hudikatura dahil magiging kabahagi ang publiko sa paglutas ng mga usapin bilang mga tagahatol. (Ito ang Balita ni Bernard Dadis/Ruth Navales, UNTV News)















Recent Comments