Usaping Cha-Cha, Dapat na Muling Talakayin ayon kay Senator Gringo Honasan
MANILA, Philippines — Naniniwala si Senator Gregorio Honasan na dapat nang simulan ang pagtalakay sa kontrobersyal na Charter Change.
Ayon kay Honasan, hindi na dapat hintayin ang resulta ng May 2013 Midterm Elections bago umpisahan ang pagtalakay sa panukalang baguhin ang ilang probisyon ng Saligang Batas. Subalit nilinaw ng mambabatas na ang pagtalakay sa Cha-Cha ay hindi nangangahulugang may pasya na ito.
“Dapat comprehensive na. Ang sinasabi lang naman ay hindi naman desisyunan na. Simulan na ang talakayan. Let’s have an informed national debate on the need for Charter Change na talaga namang kinakailangan,”pahayag ng mambabatas.
Hindi rna umabot dapat pang ipagpaliban ang diskusyon hinggil sa Cha-Cha dahil aniya, kung maghihintay na naman ay mahihirapan na muling i-establish ang national order of priorities.
“Ang proposal ni Senate President Juan Ponce Enrile na kapag binigyan natin ng flexibility ang Constitution natin, we will be able to respond faster to a situation like Panatag Shoal,” ayon kay Honasan.
Dagdag pa niya, dapat isama rin sa babaguhing probisyon ang may kinalaman sa regional commitment at alliances, pagrerepaso sa foreign, security at economic policies ng gobiyerno upang mas maging pro-active ang pamahalaan. Si Honasan ay ang Vice Chairman ng Senate Committee on National Defense and Security. (Ito Ang Balita ni Bryan De Paz / Marje Navarro, UNTV News)















Recent Comments