Published On: Thu, Jan 31st, 2013

US Rep. Edward Royce, Nakipagpulong kay P-Noy

Ang pakikipagpulong ni US Representative Ed Royce kay Pangulong Benigno Aquino III kahapon sa Malacañan Palace (Malacañan Photo Bureau)

Ang courtesy call ni US Representative Ed Royce kay Pangulong Benigno Aquino III kahapon sa Malacañan Palace (Malacañan Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Bumisita sa Malakanyang si United States Representative Edward Royce kasama ang iba pang delegasyon ng Estados Unidos.

Si Royce na Chairman ng US House Committee on Foreign Affairs ay nakipagpulong kay Pangulong Benigno Aquino III upang pag-usapan ang relasyon ng dalawang bansa.

Partikular na tinalakay sa nasabing pulong ang isyu sa defense, trade and investment cooperation gayundin ang regional security issues.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nagpahayag ng pagsuporta ang naturang delegasyon sa ginawang hakbang ng Pilipinas na iakyat na sa United Nations arbitral tribunal ang isyu sa West Philippine Sea.

Nagpahayag rin aniya ng pakikisimpatya si Royce sa nangyaring insidente ng pagkakasadsad ng USS Guardian vessel sa Tubbataha Reef.

“The US congressional delegation also through Congressman Ed Royce also express regrets over the Tubbataha Reefs,” pahayag ni Lacierda.

Pagkatapos ng pagbisita sa Pilipinas ay magtutungo naman ang US congressional delegation sa China. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>