Published On: Tue, Jan 29th, 2013

US Navy, Nangakong Magbabayad ng Danyos sa Nasirang Bahagi ng Tubbataha Reef

US Navy logo (Wikipedia)

US Navy logo (Wikipedia)

MANILA, Philippines — Nangako ang US Navy na babayaran ang naidulot na pinsala ng sumadsad na USS Guardian sa Tubbataha Reef sa karagatan ng Sulu.

Sa unang pagtaya ng Tubbataha Management Office, posibleng umabot sa P24-million ang sisingiling danyos sa gobyerno ng Amerika para sa napinsalang isanlibong metro-kwadradong bahura.

Samantala, nagpapatuloy na ang diving operations ng US Navy at Philippine Coast Guard (PCG) sa Tubbataha Reef kasabay na rin ng pagpapagaan sa USS Guardian.

Ito ay bilang paghahanda sa salvage operations na posibleng isagawa sa unang linggo ng Pebrero kasabay ng pagdating ng crane ships mula sa Singapore. (UNTV News)

Displaying 1 Comments
Have Your Say
  1. JP007 says:

    ganun ba magbabayad ang US…cents lang sa kanila yan..

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>