Published On: Fri, Sep 14th, 2012

UNTV News and Rescue Team, Mabilis na Rumesponde sa 2 motorcycle accidents sa QC at Cebu

Ang naging pagresponde ng UNTV News and Rescue Team Cebu sa isang motorcycle accident (PHOTOVILLE International / Romaldo Mico Solon)

QUEZON CITY / CEBU CITY, Philippines — Isang banggaan ng motorsiklo at taxi sa bahagi ng Tandang Sora, Quezon City ang nirespondehan ng UNTV News and Rescue Team kamakailan.
Nilapatan ng pang-unang lunas ng grupo ang rider na nasugatan nang mahulog sa kanyang motorsiklo at saka isinugod sa East Avenue Medical Center.
Nagtamo ng malalim na sugat sa tagiliran ang motorcycle rider na si Rafael Camua, residente ng Brgy. Culiat.
Sa nakalap na impormasyon ng UNTV News team, magpapaayos ng kanyang motorsiklo si Camua nang sumalpok siya sa bumper ng isang taxi bandang alas-9 ng gabi ng Setyembre 12.
“Sa gilid ng bumper tumama ang motor niya. Nakita ko na lang nakahilata na, puro dugo na (ang) tagiliran,” pahayag ng saksing si Ervin Doctor, kumpare ng biktima.
Pasado alas-12 ng hatinggabi naman ng nadaanan ng UNTV News and Rescue Team Cebu ang isa pang banggaan ng motorsiklo at taxi sa Mabolo, Cebu City.
Kapwa nagtamo ng galos sa katawan ang motorcycle rider at ang angkas nito na agad naman nilapatan ng paunang lunas ng rescue team.
Ayon sa nakakita sa pangyayari, nakasunod ang motorsiklo sa taxi nang bigla itong lumiko.
“Napansin ko lang nang tumama na ang motor sa taxi dahil ang taxi parang pa-liko sa Auto Gas, ang motor naka-sunod kaya tumama siya at tumumba,” pahayag ng saksi na si Eching Carvajal.
“(Sa) initial investigation binangga ang taxi ang motor base sa damage, dahil yung damage sa likuran,” paliwanag ni PO2 Edgardo Becoy, traffic investigator.
Nagpagkasunduan naman ng dalawang panig na bayaran na lamang ng mga sakay ng motorsiklo ang pinsalang nagawa sa taxi. (Benedict Galazan/Marje Navarro, UNTV News)
Displaying 1 Comments
Have Your Say
  1. alexander katigbak says:

    sana po ang mga reporter ay maging maayos at magalang pag nakikipagusap sa mga tao na involved sa aksidente.
    ako po ang taxi driver na na involve sa aksidente kahapon sa kanto ngkaliraya at araneta avenue kahapon 2/25/13 5PM…kung nais kong wag mag pahayag ay igalang nila at wag maging bastos tulad ng ibang media practitioner at di nangungulit. sayang po ang pagiging kristiyano natin.

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>