Published On: Tue, Apr 30th, 2013

Umano’y mastermind sa Sabah standoff, ibubunyag na ng Malaysian officials

Google Map: Sabah, Malaysia

Google Map: Sabah, Malaysia

MANILA, Philippines – Papangalanan na umano ng Malaysian security forces ang mga nasa likod ng madugong Sabah standoff.

Ayon kay Malaysian Defense Minister Ahmad Zahid Amidi, ihahayag sa publiko ang umano’y mastermind ng Sabah crisis makalipas ang May 5 general elections sa Malaysia.

Sinabi ng Defense Minister na ayaw niyang mabahiran ng pulitika ang kanyang trabaho kaya palilipasin muna ang halalan bago ibunyag ang mga pangalan ng mga nasa likod ng naganap na kaguluhan sa Sabah.

Una nang hiniling ng ilang state leader ng Malaysia sa mga otoridad na ihayag ang pangalan ng mga sinasabing utak sa Sabah incident. (UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>