Published On: Fri, Jan 24th, 2014

Trillanes, nagbanta ng pag-take over sa MERALCO kung itutuloy ang power rate hike ngayong Enero

(Left) MERALCO President  Oscar Reyes (Right) Senator Antonio Trillanes IV (UNTV News)

(Left) MERALCO President Oscar Reyes (Right) Senator Antonio Trillanes IV (UNTV News)

MANILA, Philippines – Binalaan ni Senador Antonio Trillanes IV ang Manila Electric Company sa nakaambang panibagong dagdag-singil sa kuryente ngayong buwan ng Enero.

Ayon sa senador, posibleng mag-alsa na ang mga consumer sa bigat ng bayarin sa kuryente na maaaring mauwi sa kaguluhan at pag-take-over ng gobyerno sa Meralco.

Base sa computation ng Meralco, papalo na sa mahigit sampung piso kada kilowatt hour (kWh) ang generation charge ngayong buwan. Mas mataas ito ng limang piso sa generation charge nitong Nobyembre at mas mataas pa sa singil na pansamantalang pinigil ng Korte Suprema.

Pahayag ni Trillanes, “Do not underestimate the wrath of the people. Alam niyo noong martial law tinake over ang Meralco kasi probably because ganito rin eh. Baka dumating tayo sa ganun.”

“Kasi imagine-in niyo, P10 yan o na next na itataas niyan, kayo rin ang tatamaan niyan. ‘Pag nagalit ang taumbayan, at automatic mapi-pressure ang policy makers, they may do something drastic,” pahayag pa ng senador.

Ipinasa naman ng Meralco ang sisi sa mga power generation company.

Ayon kay Meralco President Oscar Reyes, mas marami umanong mga power plants ang nagsara nitong nakaraang Disyembre kaya asahang mas tataas pa ang generation charge.

“Ito po ang spike noong December at January ay sa tingin namin aberration po ito dahil nagkaroon ng sabay-sabay na pag shutdown ng major base load power plants in addition to Malampaya.”

Sagot naman ni Trillanes, dapat ay naghahanap din ng ibang paraan ang Meralco kung paano ito maiiwasan at hindi basta na lamang ipapasa sa mga consumer ang dagdag na bayarin.

“Sinasabi ko lang magkaroon kayo ng konsensiya, alam niyo ang pwede niyong gawin to reduce the prices,” anang senador. (Roderic Mendoza / Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 4 Comments
Have Your Say
  1. SAbi ng Meralco hindi daw nila kasalanan ang nangyaring pagtaas ng singil nila. So sino ang may kasalanan eh kayo kayo yung nagsabwatan! Huwag nyo kaming pinagloloko. Tatamaan na kayo samin.

  2. Mang Tani says:

    Pahayag ni Trillanes, “Do not underestimate the wrath of the people. Alam niyo noong martial law tinake over ang Meralco kasi probably because ganito rin eh. Baka dumating tayo sa ganun.”

    -Wag nyong subukan ang taumbayan. Baka walang magawa ni PNoy kundi itake over nga ang MERALCO. Siguro nga mas maganda na ang gobyerno na lang ang humawak ng MERALCO. Ano sa tingin nyo.

  3. To many, my comment will read like a tall story so kindly find out if there’s truth in it even if you won’t be able to use any of it in your broadcasts.

  4. A takeover of Meralco would be a wise move specially because the power industry must be closely managed by Filipinos for “national security reasons”.
    The majority and controlling shares in Meralco are owned, not by Manny Pangilinan, but by his boss Liem Shoie Liong who passed away last year and now taken over by his youngest son Anthony.
    The Chinese are notorious in communications as well. German intelligence discovered that ZTE and Huawei equipments in Germany were sending signals back to China. This prompted the USA to ban all their products in their country. In the Philippines, the Chinese own PLDT, Smart, and SunCellular. Even the broadcast industry that is often reserved to Filipino citizens has been defied by Chinese ownership of Channel 5.

    Have the Chinese already invaded the Philippines?

    When Sen Sonny Trillanes was a backdoor negotiator last year, he went berserk and blew his top in a meeting with US Ambassador Sonia Brady as per the infamous “Brady Notes” where the senator berated Pres. Pnoy, Ambassador Del Rosario, JP Enrile, Manny Pangilinan and even Ambassador Brady. Why did this gentleman senator do such a traitorous and undiplomatic act?
    After Erap was deposed, Gloria Arroyo apparently had an agreement with the Chinese to jointly study the natural gas reserves in the South China Sea but Malacanang, the Senate and the DFA knew nothing of it. So where does Pangilinan and Brady come in?
    China drew up plans to put about a dozen natural gas wells as early as five years ago last year, in areas that included the Spratly Islands, and the Chinese bosses of Manny Pangilinan are active there. Ambassador Brady knew everything because in the US$6.7B Liwan-2 natural gas well that has already started operations, the US company Chevron is the major partner.

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>