Total crime volume sa Masbate, bumaba

FILE PHOTO: Isang fishing village sa Masbate (PHOTOVILLE International / Jem Fariñas)
MASBATE, Philippines — Bumaba ang total crime volume sa lalawigan ng Masbate mula buwan ng Hulyo noong nakalipas na taon hanggang buwan ng Mayo ngayong taon.
Ang kalagayan ng crime rate sa lalawigan ay ilan lamang sa bahagi ng ulat sa bayan ni Governor Rizalina Seachon-Lanete sa isinagawa nitong State of the Province Address sa harap ng kapitolyo ng probinsya ng Masbate.
“Out of 2003 total crime volume 967 were cleared indicating a crime clearance efficiency of 48% which is higher compared to the 24 % crime clearance efficiency of the previous period. The above mentioned decreasing crime rate shows tremendous significance in our pursue to eradicate criminality in the province,” ani Gov. Lanete.
Sa report na isinumite ng Philippine National Police sa pamahalaang panlalawigan, bumaba ang crime rate sa probinsiya ng Masbate.
Mula buwan ng July 2011 hanggang buwan ng Mayo taong 2012, nakapagtala ang PNP ng 2003 crime incidents kumpara noong taong 2010 hanggang 2011 na 2,679.
Mas mababa ito ng 33.74% o katumbas ng 676 crime incidents sa buong lalawigan.
Sa kabila nito, tumaas naman ang murder cases sa lalawigan.
Ayon kay Masbate Provincial Director, Police Superintendent Heriberto Olitoquit, mula July 2011 hanggang May 2012, nakapagtala ang PNP ng 165 murder case samantalang 149 lamang noong taong 2010 hanggang 2011.
“Crime rate na yan per 100,000 population yan e population ng Masbate umaabot na otsenta ang residence e yung mga transient mga nag-aaral dito.”
Iniulat ng Gobernadora ang bilang ng loose fire arms na nakumpiska at narekober ng PNP na umabot sa 45 high powered at 60 low powered na mga baril.
83 katao ang nahuling ilegal na nagmamay-ari ng mga naturang baril habang 54 na kaso naman ang naisampa na sa husgado.
“Possession of illegal firearms destructs and destroys peace and order and even one’s own life”
Kaugnay naman sa mga kaso ng illegal fishing.
Nakakumpiska naman ang mga bantay dagat ng 3 fishing vessel, 111 fishing boats, 5 motorized banca, at 100 kilo ng soduim cyanide na ginagamit sa paggawa ng dinamita. (Ito Ang Balita ni Gerry Galicia / Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments