Tobacco Growers, Di Dapat Agrabyado sa Sin Tax Bill – Senado
PASAY CITY, Philippines — Sinimulan nang talakayin sa Senado ang Sin Tax Bill na isa umano sa mga priority measure ng Pamahalaan upang mapagkunan ng pondo para naman sa mga programang pangkalusugan.
Ang nasabing panukala ay magpapataw ng karagdagang buwis sa tobacco at alcohol products. Sakaling maging batas, may pondo nang mapagkukunan para sa health services ang pamahalaan kabilang na ang para sa mga Philhealth Ward.
Ayon sa Department of Finance, nasa P60-B pesos ang initial revenue target collection sa naturang panukala.
“We’ve allocated 15% of the increase in revenues for this purpose including for farmers,” pahayag ni Finance Secretary Cesar Purisima.
Dumalo rin sa pagdinig ang mga kasapi ng Philippine Tobacco Growers Association.
Ayon kina Senador Ferdinand “Bong Bong” Marcos Jr at Senate President Juan Ponce Enrile, mahalaga pa rin sa kanila ang kapakanan ng mga tobacco farmer sa bansa.
“Mataas nga ang buwis at makakakolekta sila ng mas marami pero sa kabilang panig naman baka kung ano ang epekto nito sa mga farmers. Dapat makatulong tayo para di sila mapinsala,” paliwanag ni Marcos Jr.
“Mababawasan ang income nila eh yun ang pinanggagalingan ng extra income nila. Crust craft nila ang tobacco. We are not against (them). Dapat pare-pareho lng ang treatment. May papaboran tapos ang iba’y pahihirapan di ako papayag nyan,” pahayag naman ni Enrile.
“Dito nahahanda tayo na makinig muna sa mga presentation ng magkabilang panig. Pero sa palagay ko may concensus naman na magkaroon ng karagdagang buwis na magagamit lalo na sa kalusugan,” pahayag naman ni Senador Manny Villar.
Matapos ang unang hearing, ipinahayag ni Committee Chairperson Senator Ralph Recto ang ilang napagkasunduan na ng komite hinggil sa naturang panukala.
“The ideas to come out with the fair responsible measure that will generate revenues as well for Philhealth and for the other health needs of the health sectors,” pahayag ni Recto.
Ayon pa kay Recto, aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong pagdinig ng Senado bago magkaroon ng rekomendasyon ang Senate Committee On Ways And Means sa Sin Tax Bill. (Ito Ang Balita ni Bryan De Paz/Marje Navarro, UNTV News)















Recent Comments