Tissue Culture Laboratory, Itatayo sa Negros Occidental
Negros Occidental, Philippines – Magtatayo ng isang laboratoryo para sa tissue culture ang provincial government ng Negros Occidental upang mapalakas pa ang antas ng halaga ng crop production sa probinsya.
Ang naturang laboratory ay itatayo sa Baranggay La Granja, La Carlota City.
Ang tissue culture ay tumutukoy sa pagpapalago ng tissue cells ng isang organismo. Sa pamamagitan nito ay mapananatili ang kalidad ng mga produkto sa lalawigan at maiingatan ang variety ng high-value crops. Maiiwasan din ang masamang epekto ng pabago-bagong panahon.
”This is the most modern way now of propagating planting materials like fruits, vegetables para sa agriculture,” pahayag ni Alfredo Marañon jr., Provincial Governor ng Negros Occidental.
Ang naturang proyekto ay magagamit ng mga magsasaka bilang bahagi ng sustainable agri-livestock technology-training and extension program.
Humigit kumulang P4.5 million pesos ang inilaan ng gobyerno sa nasabing proyekto bilang bahagi ng plano nitong maging food sufficient ang probinsya. (Primrose Guilaran/Marje Navarro, UNTV News)














Recent Comments