Published On: Sat, Jul 14th, 2012

Territorial Dispute sa Pagitan ng Pilipinas at China, Inaasahang Mareresolba ng Binabalangkas na Code of Conduct ng ASEAN

FILE PHOTO: Department of Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario (UNTV News)

MANILA, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang Association of South East Asian Nations (ASEAN) sa China kaugnay sa pagbuo ng Code of Conduct sa West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ng Malakanyang matapos ang 45th Foreign Ministers Meeting sa Cambodia noong July 8 – 12, kung saan kasama si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Albert Del Rosario.

Ipinaliwanag ni Ricky Carandang ng Presidential Communication Group na ang pagbalangkas sa naturang panuntunan upang maiwasan na ang anumang provocative actions sa gitna ng mga territorial dispute.

Ayon pa kay Carandang, dalawang paraan ang ginagawa ng pamahalaan sa kasalukuyan upang ayusin ang isyu sa Panatag Shoal. Bukod aniya sa pagaakyat sa ASEAN ng usapin sa West Philippine Sea, patuloy din ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Beijing hinggil dito.

“We’re proceeding in the same track. We are meeting with the ASEAN. We’re talking with them and try to come up with common position regarding this,” pahayag ng opisyal. (Ito Ang Balita ni Bert Cerrudo/Marje Navarro, UNTV News)

 

National Defense and Security