Taylor Swift at Justin Bieber, Nangunguna sa Top 10 Highest Paid Young Celebrities ng Forbes Magazine
Pasok sa Top 10 Highest Paid Celebrities sina Taylor Swift at Justin Beiber kasama ng 5 pang mang-aawit at 3 artista. Kasama sina Swift at Beiber sa mga artistang hindi hihigit sa 30 taong gulang na tumatanggap ng mataas talent fee, ayon sa Forbes Magazine.
Si Taylor Swift, 22, ang nanguna sa talent fee na USD $57M habang pumapangalawa naman ang dating nasa Top 1 nang nagdaang taon na si Justin Beiber, 18, sa halagang USD $55M.
Naging pang anim naman ang soon-to-be-mother na si Adele, kasunod ng bida sa Snowhite and the Huntsman na si Kristen Stewart. Si Lil Wayne, 29, na siyang pinakamatanda ay nasa ikawalong puwesto. (UNTV News)
2012 Top 10 Highest Paid Young Celebrities (Forbes Magazine)
1) Taylor Swift, $57 M
2) Justin Bieber, $55 M
3) Rihanna, $53 M
4) Lady Gaga, $52 M
5) Katy Perry, $45 M
6) Adele, $35 M
7) Kristen Stewart, $34.5M
8) Lil Wayne, $27 M
9) Taylor Lautner, $26.5 M
10) Robert Pattinson, $26.5
Image credit: Wikipedia















Recent Comments