Published On: Tue, Jul 24th, 2012

Tahanan para sa mga Sanggol na Inabandona, Inilunsad ng ADD Foundation

Ang isa sa mga pinakabagong public service ng UNTV at ng grupong Ang Dating Daan na tahanan para sa mga inabandonang bata. Ito ay matatagpuan sa Apalit, Pampanga. (PHOTOVILLE International / Kenjie Hasegawa) 

PAMPANGA, Philippines – Kasabay ng pagdiriwang ng ika-8 annibersaryo ng UNTV, pinasimulan ang Infant Care Program for Abandoned Babies ng ADD Foundation International sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at ni Kuya Daniel Razon.

Layunin nito na mapangalagaan at mabigyan ng tahanan ang mga batang inabandona at napabayaan.

“Isa sa mga layon ay dumadaming kaso ng mga batang inaabandona. Yung iba minsan iniiwan na lang sa basurahan.. Minsan inaaabot. Minsan iniiwan na rin mismo sa ospital ng mga nanay.. kaya nagtayo ng ganitong programa ang ADD Foundation sa pangunguna ni Bro. Eli Soriano at Bro. Daniel Razon,” pahayag ng social worker na si Annabelle Bercasio.

Dadaan naman sa kaukulang oryentasyon at training ang mga tagapag-alaga ng mga sanggol katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa mga batang maaaring tanggapin ay mula sa pagka-panganak hanggang dalawang taon at kalahati.

Ang bawat sanggol ay maaring manatili ng isang taon sa nasabing tahanan at pagkatapos ay ieendorso sa DSWD para sa susunod na hakbang ng pangangalaga. (Ito ang Balita ni Ley Ann Lugod/Ruth Navales, UNTV News)

Ang proyektong ito ng UNTV at Ang Dating Daan ay nakasailalim sa supervision ng Department of Social Welfare and Development kung saan ang mga tagapag-alaga ay may kaukulang training at orientasyon. (PHOTOVILLE International / Kenjie Hasegawa)

  • http://www.facebook.com/eggstyle Rovic Balunsay

    Only people with genuine hearts that really cares would do this things. Truly the members of the Church of God is fulfilling what God had ordained before the world begun as written in;

    EPHESIANS 2:10
    For we are his workmanship, created in Christ Jesus unto good works, which God hath before ordained that we should walk in them.

    Religious organization is being led by Bro. Eli Soriano and Bro. Daniel Razon.
    Truly people of God.

  • glenn

    Wow! Thamks God May ganito tayu! Nagulat ako ., Go kuya Daniel , Bro Eli!

  • Roger

    napakasarap damhin sa kalooban na may ganitong ginagawa ang isang mangangaral sa kabila ng sari-saring paguusig…salamat sa Dios ng marami

  • Roger

    Sana ‘wag namang maiinggit ang iba gayahin nalang san nila kung papaanong ginaya nila ang ating libreng sakay mas maganda…TO GOD BE THE GLORY!

  • edjess

    Napakasarap mag alaga ng babies..salamat sa Diyos at nariyan kau kapatid na eli at kuya daniel. Sana ay makasama po ako sa ganitong gawain. Salamat po sa Diyos!

  • mhatt05

    Napakagandang adhikain para sa walang kamuwang-muwang na batang isinilang sa mundo na di nila alam ang kanilang tatahaking buhay. Subalit sa ganitong programa may pagasa silang makamtan ang kanilang karapatang mabuhay sa mundong ito na may magaalaga sa kanila. Salamat sa Dios mayroong mga taong kagaya nila kapatid na Daniel Razon at kapatid na Eli Soriano na napakalaki ng pagmamahal at pagpapahalaga sa buhay ng tao. Sana po lagi kayong samahan at bigyan ng mabuting kalusugan upang marami pa po kayong matulungan.

  • vanermin1970

    To GOD Be The GLORY!

  • Max

    Salamat sa Dios at may mangangaral tayong ganitong pagiisip na kumakalinga sa atin ganoon na rin sa tagalabas. Sana bigyan pa sila ng Dios ng mahabang buhay.

  • http://twitter.com/irishchin Irish Chin ™

    SOBRANG NATUTUWA AKO DITO. SALAMAT SA DIOS!!!

  • anne

    yun ohhh, TO GOD BE THE GLORY!!
    SANA THROUGH THEM, MAKAPAG-ADOPT NAMAN KAMI..

  • Arnz Labian Napoles

    Galing!!!! Salamat sa Dios sa isang tunay at dalisay na relihiyon na kinaaniban ko. More Power UNTV! To GOD be the glory!!!

  • http://www.facebook.com/beyondcosmos Romack Natividad

    wow, home for the parentless :`|

  • sheeny

    Salamat sa Diyos sa lahat ng kanyang mga gawang di natin masasayod
    Salamat kina kapatid na Eli at Kapatid na Daniel..Pagpalain po nawa kayo ng ating Panginoon
    Salamat sa UNTV sa kanilang mabuting gawain na paglingap sa mga inabandona na sanggol..
    To God.. Be the Glory!!!

  • renzke

    Salamt sa Dios sa ganitong paglinggap!
    nakakatuwa sa puso na merong ganitong gawaing nailunsad…. Para s mga batang kailangang linggapin.
    Mabawasan ang mga batang mabalitaan na tinatapon s basura inabandona.
    Salamt po s Dios ng marami
    Kapatid na Eli at Kapatid na Daniel

  • http://www.facebook.com/people/Ziebert-Rigg-Pestano/1330018193 Ziebert Rigg Pestano

    una palagi basta public service! ^_^