Published On: Thu, Jul 5th, 2012

Steve Nash, lilipat na sa Lakers

Steve Nash ng Phoenix Suns / Photo by Keith Allison

Lilipat na sa Los Angeles Lakers ang pamosong point guard ng Phoenix Suns na si Steve Nash para sa darating na 2012-2013 season.

Ang 38-anyos na beterano ay pipirma ng tatlong taon para sa team ng Lakers sa halahang 27 milyon dolyares.

Si Nash ay sinubukan ding makuha ng team na New York Knicks upang magkaroon ng mahusay na beterano ang kanilang koponan. Naging dahil din ito para magkaroon ng usap-usapan na papalitan si Jeremy Lin ni Nash sa grupong nasabi dahil na din sa napakalaking suweldong iniaalok ng Houston Rockets na maaaring hindi tapatan ng Knicks.

Hindi pa nararanasang marating ni Nash ang NBA Finals at pinaniniwalaan ng marami na ang pagsama niya sa Lakers ay dahil sa hangad niyang magkamit ng kampeonato.

 

Image credit: Keith Allison