Steve Nash, Isa ng Ganap na Miembro ng L.A. Lakers

Ang 2005 and 2006 MVP ng NBA na si Steve Nash ng Phoenix Suns na ngayon ay maglalaro na sa LA Lakers. (Wikipedia)
Opisyal na ang pagiging miyembro ng Los Angeles Lakers ang dating Phoenix Suns pointguard na si Steve Nash.
Ilang linggo ring naging free agent si Nash matapos ang nakaraang NBA season hanggang sa nagdesisyon na ito na tuluyan nang mapabilang sa koponan ni Kobe Bryant.
Ikinagulat din ng grupong New York Knicks ang biglaang desisyon ni Nash. Nauna nang tinanggihan ni Nash ang Knicks sa kabila ng alok nito na isama si Nash sa binubuo nilang line-up ng mga mahuhusay na manlalaro.
Ayon kay Nash, mas pabor sa kanya ang makasama sa Lakers upang mapanatiling malapit sa kanyang mga anak na kasalukuyang nakatira sa Phoenix.
Si Nash ay nakapasok sa NBA noong taong 1996. (UNTV News)













