Published On: Mon, Dec 2nd, 2013

Special screening ng Isang Araw movie ni Kuya Daniel Razon, naging matagumpay

RARE MOMENTS with Kuya Daniel Razon. Ang event kung saan inilunsad ang pelikulang Isang Araw kung saan writer, main actor, at director si Mr. Public Service na ginanap nitong Nobyembre 28, 2013 sa Sofitel Hotel, Manila.   (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

MANILA, Philippines — Kaalinsabay ng ika-30 taon sa serbisyo publiko ng ating Mr. Public Service, Kuya Daniel Razon ang sponsor’s night ng pelikulang Isang Araw, na ginanap sa Sofitel nitong Nobyembre 28, 2013.

Isang maikling programa ang isinagawa bago ipalabas ang pelikulang isang araw, bilang premier showing nito sa mga sponsor ng naturang pelikula.

Isa sa mga highlight ng event ay ang pag-awit nina ASOP 2012 Grand Champion Anton Estrella (left) ng Spanish version ng Isang Araw theme song at ni OPM hitmaker at ASOP Judge Mon Del Rosario para sa Tagalog version nito (right). Si Del Rosario rin ang nag-compose ng Isang Araw movie soundtrack na ito. (REY VERCIDE / Photoville International)

Magkakahalong emosyon ang  naramdaman ng mga nakapanood sa sponsor’s night ng pelikula dahil for all ages, ang message nitong dala.

Happy and proud naman ang ilan sa mga UNTV host, dahil nakabahagi sila sa pelikula na for a cause.

Ani Good Morning Kuya host Congressman Erin Tañada, “Talagang kailangang lahat ay parating iiniisip ay gawin yung tama. Dahil kung mababawasan nga natin ang kasamaang nangyayari… gaganda at gaganda ang lipunan.”

Paghanga naman ni Rise & Shine host Jenny Fajardo, “Ang galing sa effects ha, nabilib ako sa effects and then sa scoring.. tapos it’s a mixture of comedy and drama.”

Rekomenda naman ni Ito Ang Balita anchor Atty. Regie Tongol, “Pang world class yung editing, so I think dapat isali ito ni Kuya sa mga film festivals around the world.”

Nasa venue rin ng premiere night ng mga Isang Araw ang auction items na mismong mga ginamit ni Kuya Daniel sa pelikula, at ang malilikom na pondo dito ay itutulong sa biktima ng Bagyong Yolanda. (FREDERICK ALVIOR / Photoville International)

Ani Mr. Public Service, “Nag-iinvite kame dahil yung mga ginamit nating mga costume at yung ibang mga ginamit natin sa pelikula ay naka-auction po ngayon. At ang proceeds po nito ay gagamitin natin sa mga victim ng Bagyong Yolanda, we will be also helping them. We’ve started it already dahil nakapagpamahagi na tayo ng mga bangka sa lugar ng Kabisayaan.”

Bumati rin si Bro. Eli Soriano bilang kaagapay ni Kuya Daniel sa pagtataguyod ng ibat-ibang serbisyo publiko.

“Nakita ko na yung itinuro kong aral kay Kapatid na Daniel, na-acquire nya iyon na kahit siya maubusan, makatulong lang siya sa kapwa. Siguro ang makakasaksi nito ay ang kanyang mga kasama sa trabaho, mga naging kaalakbay niya sa araw-araw na kahit maubusan siya ay ginagawa niya yung naituro ko sa kanyang laging gumawa ng kabutihan, wag mamimili ng gagawan ng kabutihan — lahat ng tao. And that is exactly what I have learned also from reading the Scriptures.” — Bro. Eli Soriano. (UNTV News)

Para naman sa mga hindi pa nakapanood, abangan ang pagpapalabas ng Isang Araw sa iba pang mga lugar, isa na rito sa December 16, 2013 sa PICC o  Philippine International Convention Center. (BRYAN EVANGELISTA, UNTV News)

“Ito'y isang bagay na ipinagpapasalamat sa DIOS na ako po ay nagiging kasangkapan sa mga bagay na gusto Niyang mangyari. That's one of my wishes na sana ay mapagtiyagaan Niya pa ako ng Dios na magamit sa anumang bagay na gusto nya akong gamitin kagaya ng laging sinasabi sa akin ni Bro. Eli.” — Mr. Public Service Kuya Daniel Razon (REY VERCIDE / Photoville International)

“Ito’y isang bagay na ipinagpapasalamat sa DIOS na ako po ay nagiging kasangkapan sa mga bagay na gusto Niyang mangyari. That’s one of my wishes na sana ay mapagtiyagaan Niya pa ako ng Dios na magamit sa anumang bagay na gusto nya akong gamitin kagaya ng laging sinasabi sa akin ni Bro. Eli.” — Mr. Public Service Kuya Daniel Razon (REY VERCIDE / Photoville International)

Displaying 4 Comments
Have Your Say
  1. mackie says:

    saan po kaya makikita pictures with kuya daniel? :)

  2. Aizzell says:

    Salamat sa Dios! Sana ung message ng pelikula tumagos meretain sa puso ng mga taong makakapanood. Sana maraming makapanood! :)

  3. Arlene says:

    Kapag may puso ang paggawa, hindi ka mamimili na tutulungan mo…talagang napakabuti ng magiging bunga..

  4. elizabeth says:

    sa paggawa ng mabuti hindi mag bubunga ng masama

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>