Simbolong ibon ng Twitter, binago na
May kapansin-pansing pagbabago sa simbolong ibon ng social network company na Twitter simula ng araw ng Miyerkules, Hunyo 6.
Ang bagong simbolong ibon ay mas payat at pataas ang lipad kumpara sa dating padiretsong anggulo nito
“This bird is crafted purely from three sets of overlapping circles — similar to how your networks, interests and ideas connect and intersect with peers and friends,” anang Twitter.
Ang lumang imahe ay unang ginamit ng Twitter anim na taon na ang nakalilipas. Ito ay naging pamoso sa buong mundo at kinalala sa pangalang Larry.
Tinatayang mayroong 150 milyong kataong kabilang sa Twitter at pinakamaraming gumagamit nito sa Estados Unidos.
Ilan sa mga kilalang kasangbahay na mayroong sariling Twitter account ay sina Kuya Daniel Razon at Bro. Eli Soriano.















Recent Comments