Published On: Wed, Aug 8th, 2012

Silangang Bahagi ng China, Sinasalanta ni Typhoon Haikui

 

SHANGHAI, China – Tuluyan nang naging bagyo ang hanging habagat na naging sanhi ng malawakang pagbaha sa Pilipinas mula kahapon.

Tumama ang severe typhoon na tinatawag na Haikui sa silangang bahagi ng China kaninang umaga.

Nagdulot si Haikui ng pagbaha at pagka-stranded ng halos 400,000 katao sa Zhejiang at Shanghai.

Ito na ang ikatlong bagyo na tumama sa bansa sa loob lamang ng isang linggo.

Ayon sa Shanghai Airport Authority, mahigit 500 domestic at international flights mula at papunta sa dalawang paliparan sa Shanghai ang Hongqiao at Pudong ang nakansela dahil sa sama ng panahon.

Wala ring barkong pinapayagang maglayag papasok at palabas ng mga pantalan ng Shanghai na itinuturing na pinaka-abalang daungan sa buong mundo.

Kanselado rin ang biyahe ng ilang train at hindi na rin pinapayagang maglayag ang mga sasakyang pandagat sa lungsod. (Ito ang Balita ni Oliver Legaspi/Ruth Navales, UNTV News)