Published On: Thu, Sep 20th, 2012

Senate President Enrile, Walang Balak Makipagbati kay Senator Trillanes

(Left) Sen. Antonio Trillanes IV (Right) Senate President Juan Ponce Enrile (UNTV News)

MANILA, Philippines — Malabo pa sa kasalukuyan na magkaayos sina Senate President Juan Ponce Enrile at Senator Antonio Trillanes IV matapos ang mainit na sagutan ng dalawa sa Senado.

Ayon kay Enrile, hindi niya sasayangin ang kanyang oras sa pakikipag-usap sa batang senador. Ayaw na rin aniyang patulan ang mga hamon ni Trillanes sa kanya.

“Hindi ko pagkakaabalahan ang tao na iyon. I have better things to do. He is not worth my while,” pahayag ng beteranong senador.
Marje Navarro: Iba -iba naman ang naging reaksyon ng mga senador na nakasaksi sa sagutan ng dalawa.

Ayon kay Senator Gringo Honasan, nakalulungkot ang pangyayari para sa institusyon.

“Nalungkot lang ako for the Institution. Totally unnecessary (ang) umabot pa sa ganoon. Naniniwala ako na maaayos itong gusot na ito dahil collegially at consensual chamber lang naman tayo,” pahayag ni Honasan. (Francis Rivera/Marje Navarro, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>