Published On: Wed, Jan 30th, 2013

Salvage Plan sa Sumadsad na USS Guardian, Hindi pa Naisasapinal – PCG

Armed Forces of the Philippines Western Command Handout Photo: USS Guardian grounded at Tubbataha Reef.

Armed Forces of the Philippines Western Command Handout Photo: USS Guardian grounded at Tubbataha Reef.

MANILA, Philippines — Wala pa ring pinal na salvage plan ang US Navy sa sumadsad nilang barko sa Tubbataha Reef sa Sulu sea.

Ayon kay Commodore Enrico Efren Evangelista, ang District Commander ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Palawan, kailangan munang maaprubahan ang anumang master plan ng US Navy bago isagawa ang operasyon.

Ayon kay Evangelista, nais na nilang maisagawa ang salvage plan ngunit tila hindi rin nakikiisa ang panahon.

Sa ngayon ay hinihintay pa ng salvage crew ang gagamitin nilang dalawang crane ship mula sa Singapore na posibleng dumating sa bansa ngayong  Biyernes o Sabado.

Patuloy naman ang monitoring kung may oil spill sa lugar at araw-araw na ring kumukuha ng water sample upang matiyak na walang kontaminasyon sa tubig. (UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>