Rule of Law, matalinong hakbang ng Pilipinas sa isyu ng Panatag Shoal – Sen. Enrile

Senator Juan Ponce Enrile (UNTV News)
MANILA, Philippines – Ang International Court of Justice (IJC) ang tamang lugar upang maresolba ang tensyon sa West Philippine Sea.
Ito ang naging pahayag ni Senator Juan Ponce Enrile sa naganap na cabinet meeting ni Pangulong Benigno Aquino kung saan kasama ang senador.
Ayon sa senador, ito ang maituturing na matalinong proseso na dapat pagtuunan ng gobyerno ng Pilipinas.
“It was prudent and I think it is a wise move on the part of our government to use the rule of law instead of the rule of force.”
Mahalaga aniya na makipagtulungan ang bansang China upang lubusan nang maayos sa IJC ang naturang territorial dispute.
Giit ni Enrile, kung legalidad ang pag-uusapan, may laban ang bansa upang maipagtanggol ang Scarborough Shoal.
“Bilaterally, we are weak compare to China, so we want to bring that case to International Criminal Court of Justice but they didn’t want to have that issue to discuss because I think they know that their legal position is very-very-very weak.”
Dagdag pa ni Enrile, ang hindi pakikipag-kooperasyon ng China sa Pilipinas upang pag-usapan sa ICJ ang isyu ng Panatag Shoal ay pagpapakita lamang na mahina ang ligal na basehan nito sa inaangking teritoryo. (Ito ang Balita ni Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments