Right Wing Engine nang Bumagsak na Piper Seneca Plane, Natagpuan na
MASBATE CITY, Philippines – Natagpuan na ang natitirang right wing engine ng Piper Seneca Plane sa karagatan ng Masbate City ngayong araw (Agosto 28).
Alas-11:58 ng umaga nagsimula ang pagsisid ng mga diver sa makina ng eroplano. Pasado alas-12 ng tanghali lumutang ang balloon o marker na ibig sabihin nalocate na ng mga diver ang kinaroroonan ng natitirang makina ng wreckage sa ilalim ng dagat.
Natagpuan ng mga diver ang engine ng eroplno sa lalim na 186 feet malapit sa lugar kung saan nakuha ang katawan ni DILG Secretary Jesse Robredo.
Ito ay sa tulong ng sonar na gamit ng fishing vessel na mula nung nakaraang Sabado ay nakastand by na sa karagatan ng Masbate.
Ayon kay Commodore Joel Garcia ng Coast District Bicol, sa port ng Masbate City dadalhin ng fishing vessel ang engine ng eroplano kapag ito ay naiaahon na ng boom ng barko. (Ito Ang Balita ni Gerry Galicia/Marje Navarro, UNTV News)














Recent Comments