Reward Money sa mga High-Profile Fugitives sa Bansa, Dinoble ng Malakanyang

Si Pangulong Noynoy Aquino, kasama ang 3 sa mga high profile fugitives na sina Ret. Major Gen. Jovito Palparan, Globe Asiatique Owner Delfin Lee at si PBMA cult leader, former Dinagat Islands Representative Ruben Ecleo Jr. (photo courtesy of www.congress.gov.ph) (UNTV News)
MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Benigno Aquino III na itaas ang halaga ng reward money sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa pinagtataguanng mga itinuturing na“high-profile fugitives” sa bansa.
“The President is displeased with the lack of progress in arresting high-profile fugitives. In order to assist the authorities in their task of capturing these fugitives, the President has ordered the following,” pahayag ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda.
Umaasa ang Department of Interior and Local Government na makatutulong ang ginawang pagtataas ng pabuya upang mapabilis ang paghuli sa mga taong may outstanding warrant of arrest.
“Umaasa po tayo na ang dagdag na pabuya ay makakatulong. Hindi natin sinasabi na ang pabuya ay iyon lang ang dahilan,” pahayag ni DILG Secretary Jesse Robredo.
Ang mga itinuturing na mga high profile fugitive ay sina Jovito Palparan, na mula P1M piso ay itinaas na sa P2M piso.
Sina Joel Reyes, Mario Reyes, Delfin Lee at Ruben Ecleo Jr. naman ay pawang may tig-P2M reward money sa ulo.
Ang mga lider ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army (CPP-NPA) na sina Benito Tiamzon at Jorge Madlos ay parehong may halos P6M piso pabuya sa sinumang makapapagtuturo ng kanilang pinagtataguan.
Ayon pa sa kalihim, iniutos na rin ng Pangulo na doblehin ang kanilang effort sa paghahanap sa mga naturang kriminal. (Ito Ang Balita ni Bernard Dadis/Marje Navarro, UNTV News)














Recent Comments