Regular na sahod sa mga driver at konduktor ng bus, simula na ngayong buwan ng Hulyo

FILE PHOTO: Public Utility Bus (PHOTOVILLE International)
MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Department of Labor and Employment kasama ang National Wages and Productivity Commision ang pagbibigay ng regular na pasahod sa mga bus driver at ng mga kundoktor.
Sa ilalim ng department order 118-12, titiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero sa kadahilanang madalas ang aksidente sa lansangan at dahil sa pag-aagawan ng mga bus driver ng mga pasahero.
Nakasaad din sa naturang direktiba ng DOLE na hindi maaaring bumaba ang pagbibigay sahod sa mga bus driver at ng kundoktor ng minimum wage ng fix salary.
Sa Metro Manila dapat ay nasa P446 kada oras o 10,704 ang dapat ibigay ng bus company sa loob ng isang buwan.
Gaya ng ibang empleyado sa mga government agency, walong oras din sila papasok na siyang unang antas ng wage ang compension system.
Sa ikalawang antas naman ng sistema ay gagawa ng formula ang NWPC para mabigyan ng panuntunan ang mga bus operator sa pagbibigay ng productivity based o road safety incentives sa mga bus driver at ng kundoktor bukod pa sa ibang benepisyong ipagkakaloob sa mga ito.
Kailangang magkaroon ng kontrata sa pagitan ng bus company at ng mga driver at konduktor.
Nilinaw ng DOLE na kailangang magpasa ang mga kasalukuyang mga driver at kundoktor ng mga requirement gaya ng resume at lisensya.
Kapag hindi naman sumunod ang mga bus operator sa itinakdang department order na pagbibigay regular na pasahod ay ire-rekomendang ipapasara ng DOLE ang bus company na ito kapag lumabag na sa unang warning na ibinigay sa kanila. (Ito Ang Balita ni Rico Rivadenera, UNTV News)













