Publiko, Hinikayat ng PNP na Tumulong sa Kampanya Para Habulin ang mga Kriminal

FILE PHOTO: Ang pagbibigay ng reward money ng pamunuan ng PNP sa isang impormante na naging dahilan ng pagkakadakip ng isang pinaghahanap na kriminal. (UNTV News)
MANILA, Philippines — Hinihikayat ng pamunuan ng pambansang pulisya ang publiko na makipagtulungan sa kanila para mahabol ang mga nagtatagong kriminal sa bansa.
Sa tala ng Directorate for Intelligence ng Philippine National Police (PNP), umabot na sa P8.99 million ang naipamigay na reward money sa mga sibilyan ngayong taon na naging instrumento para madakip ang ilang most wanted persons.
Pinakahuli rito ang ibinigay na P4.250 milyong pisong reward money sa pitong informant na nagbigay ng impormasyon para madakip ang 7 top most wanted criminals sa Mindanao at Luzon kabilang ang ilang miyembro ng Abu Sayyaf at mga kasapi ng komunistang grupo.
Ayon sa pulisya, karaniwan sa nagiging impormante ng PNP para madakip ang ilang kriminal ay mga taong malalapit din sa mga wanted person.
“Most cases mga dating kasama sa trabaho, nagbalik loob. malimit personal na kakilala, minsan mga kamag-anak,” pahayag ni PNP Spokesman P/CSupt. Generoso Cerbo Jr.
Tiniyak naman ng pulisya ang seguridad ng mga lulutang na impormante. Bukod sa reward money na matatanggap ng mga ito, highly confidential din ang kanilang identity para hindi malagay sa peligro ang kanilang mga buhay. (Victor Cosare/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments