Prudential Life Plans, Ipinatitigil na ang Operasyon Dahil sa Kakapusan ng Pondo
MANILA, Philippines – Ipinatitigil na ng Insurance Commission ang operasyon ng kumpanyang Prudential Life Plans dahil sa kakapusan sa pondo.
Ayon sa komisyon, hindi na kayang serbisyuhan ng kumpanya ang mga plan holder nito.
Umaabot umano sa mahigit na walong bilyong piso ang kulang na pondo ng Prudential Life sa trust fund nito at limang milyon naman sa pension plans.
Tinaningan ng 30 araw ang Prudential Life na mag-produce ng sapat na pondo upang makapagpatuloy sa kanilang operasyon.
Samantala, nananawagan naman ang komisyon sa mga plan holders na makipag-ugnayan sa Prudential Life sa lalong madaling panahon. (UNTV News)















Recent Comments