Published On: Thu, Aug 16th, 2012

Price Freeze, Mananatili kahit Nakalabas na ang Bagyong Helen — DTI

 

FILE PHOTO: Ang pagmomonitor ni DTI Usec. Zenaida Maglaya sa mga pangunahing bilihin sa pamilihan. (UNTV News)

MANILA, Philippines — Mananatili pa rin ang price freeze sa mga lugar na nasa state of calamity kahit nakalabas na ng bansa ang Bagyong Helen.

Ito ang pagtiyak ng Department of Trade and Industry.Muling nagpaalaala si Under Secretary Zenaida Maglaya na parurusahan ang sinumang hindi tutupad dito.

“Sa batas, hindi lang multa ang puwedeng ikaso sa kanila. Puwede rin silang hindi lang yung sinasabi nating maximum of 1M for the violation of the price freeze. Meron ding pagkakakulong ng isang taon hanggang 10 taon. We will need the help of the police kung talagang kinakailangan, pero wag naman sana nating hintayin na may makulong at may magsamantala ng ganyan,” pahayag ni Usec Maglaya.

Ang price freeze ay mananatili hanggang hindi pa nai-aalis ang state of calamity sa mga lugar na naapektuhan ng hagupit ng habagat at ng bagyo ng  mga nakaraang linggo.

“The price freeze according to law will stay for 60 days unless earlier lifted. Kung hindi na o kunwari ili-lift na nila ang declaration that they are in state of calamity, pwede na rin nating isunod ang ma-lift yung price freeze, but if not, it will stay for 60 (days). It can even be extended kapag hindi pa nag-improve na mabuti ang kalagayan but that extension will need the approval of the President, even the lifting will need the approval of the President,” dagdag paliwanag ng kalihim. (Ito Ang Balita ni Beth Lamodo/Marje Navarro, UNTV News)