Published On: Tue, Jan 22nd, 2013

Pres. Aquino, nababahala sa magiging pinsala sa Tubbataha Reef ng salvage operation sa USS Guardian

Armed Forces of the Philippines Western Command Handout Photo: USS Guardian grounded at Tubbataha Reef.

Armed Forces of the Philippines Western Command Handout Photo: USS Guardian grounded at Tubbataha Reef.

MANILA, Philippines — Inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III si DOTC Secretary Joseph “Jun” Abaya na tiyaking magiging maliit lamang ang magiging pinsala sa Tubbataha Reef sa gagawing salvage operation sa USS Guardian ship.

Ayon kay Abaya, nababahala ang pangulo sa posibleng maging pinsala ng nasabing salvage operation sa itinuturing na isa sa limang World Heritage Sites.

Ngayong Martes ang nakatakdang salvage operation para sa sumadsad na US Navy ship, katulong ang puwersa ng Pilipinas.

“Procedures should cause the minimum of damage to the reef no additional further damage to the reef I think that is clear to forces and counterparts.”

Ayon pa kay Abaya, makapagsasagawa lamang sila ng imbestigasyon sa oras na maialis na sa pagkakasadsad ang naturang US vessel.

Ngunit ayon sa kalihim, bilang dating Navy official, may mabigat na kaparusahan ang naturang insidente.

“Based on what I know from the Navy, grounding of a vessel is a mortal sin, it would destroy careers.”

Samantala, kinumpirma naman ng Department of National Defense (DND) sa pamamagitan ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na may naka-schedule nga na port call ang USS Guardian sa Puerto Princesa at Subic Zambales. (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)

  • http://www.facebook.com/haduca1 Christian Haduca

    Haha maraming salamat sa balita dahil nakagawa ako ng assignment ;-) at dapat talagang pagbayarin ang US sa kanilang nagawa…:-)

  • JP007

    dapat bilang alagad ng batas..dapat nila ipatupad kung ano ang nasa Constitusyun pagdating sa mga gayong bagay na may patungkol sa Sea Code…..kung may mga mapipinsala na mga Reefs kung ano man yan…

    • http://www.facebook.com/haduca1 Christian Haduca

      Uu nga