Published On: Fri, Feb 1st, 2013

PNP, Nakakuha ng +50 na Net Satisfaction Rating batay sa SWS Survey

FILE PHOTO: PNP personnel with motorcycle units (UNTV News)

FILE PHOTO: PNP personnel with motorcycle units (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nakakuha ang Philippine National Police (PNP) ng pinakamataas na net satisfaction rating batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Station (SWS).

Lumabas sa survey na anim sa bawat sampung Pilipino ang may tiwala sa PNP, katumbas ng +50 net satisfaction rating.

Ginawa ang survey sa 1,200 respondents mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Kapansin-pansin naman sa survey ang mababang porsyento ng mga nagsusumbong sa pulis, kaya’t nais ni PNP Chief Director Gen. Alan Purisima na mabago ang pananaw ng mga mamayan ukol dito.

Apela ni Purisima, “sana yung mindset of not reporting ay mabago. No matter how small the crime, it important to us na i-report para tama ang ating crime stats para maayos ang security plan natin.”

Ang naturang survey ay isinagawa bago nangyari ang kontrobersyal na Atimonan shootout, Megamall robbery at iba pang krimen kung saan umani ng negatibong puna ang pambansang pulisya. (UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>