Published On: Tue, Jan 29th, 2013

PNP, nakakita ng ilang security lapses kaya nangyari ang panloloob sa Megamall

PHOTO: PNP-SOSIA Chief P/CSupt. Tomas Pentoy (UNTV News)

PHOTO: PNP-SOSIA Chief P/CSupt. Tomas Pentoy (UNTV News)

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Supervisory Office for Security and Investigation Agencies (SOSIA) ng Philippine National Police ang kanilang imbestigasyon sa nangyaring robbery sa SM Megamall noong sabado ng gabi.

Lumitaw sa inisyal na pagsisiyasat ng SOSIA na may mga lapses sa ipinatutupad na seguridad sa naturang mall.

Ayon kay Chief Supt. Tomas Rentoy, ang pinuno ng SOSIA, hindi umano kinapkapan ang isa sa mga suspek kahit kitang-kita sa CCTV footage na may nakabukol sa katawan ng suspek.

“Ang SOP lahat ng tao ifi-frisk and use metal detectors to detect if may baril o patalim na ipapasok. Subject ng inquiry kung may metal detectors na ginamit.”

Lumitaw din sa pagsisiyasat ng mga otoridad na walang baril ang mga guwardiya na naka-duty sa naturang lugar.

Hindi rin umano umakto ng tama ang mga guwardiya pagkatapos ng insidente para mahuli ang mga kawatan.

Ani Rentoy, “ang tama dapat kinordon nila ang area, di sila nag panic doon, isa sa tingnan yun na lapse kung bakit nakalabas.”

Ayon sa SOSIA, ang mga naturang patakaran ay matagal nang napag-usapan sa pagitan ng PNP at mga security agency kaya nabuo ang isang mall security plan. (Victor Cosare & Ruth Navales, UNTV News)

Displaying 1 Comments
Have Your Say
  1. JP007 says:

    di lang mga Security Guards ang may Lapses….. mga Lispo din may pagkukulang sila…ano nman ang ginagawa ng mga Lispo na naka assign dyan? tanong lang Sir.

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>