Plastic Ban sa Buong Maynila, Malapit nang maging Batas
Manila, Philippines – Pumasa na sa ikatlong at pinal na pagdinig ang ordinansang magsasabatas ng pagbabawal at pag-regulate sa paggamit ng plastic bags sa wet and dry goods sa lungsod ng Maynila.
Ito ang nakikitang solusyon ng pamunuan ng lungsod para mabawasan ang polusyon sa kalikasan lalo na’t kaunting ulan lang ay agad na itong binabaha.
“Kung halimbawa, tuyo ang goods like binili ko itong mikroponong ito, hindi ko na siya isusupot kasi tuyo siya. Ang biibili dapat may dala na siya na lalagyan niya. Halimbawa, bibili naman ako ng wet goods, Ang kailangang i-refregirate ang nabubulok. Anything na kailangan i-refrigirate, pwede ko iyong isupot sa plastic pero kung halimbawa isusupot ko pa uli sa isa pang plastic na mas malaki o kaya secondary plastic, bawal iyon,” paliwanag ni Jocelyn Dawis-Asuncion, Councilor ng 6th District ng Maynila.
Ayon sa opisyal, ang mga basurang ipinapadpad ng alon sa Baywalk Area ng Roxas Boulevard ay patunay na kailangan talagang lagyan ng regulasyon ang paggamit ng plastik.
Sa survey na isinagawa ng Ecowaste Coalition at iba pang environmental group noong 2010, nasa 76.9% ng basura sa Manila Bay ay gawa sa plastik.
Sa kasalukuyan ay mayroong walong syudad sa buong Metro manila ang nagpapatupad ng plastic ban. Ito ay ang mga siyudad ng Muntinlupa, Marikina, Pasig, Las Pinas, Pateros, Pasay, Makati at Mandaluyong.
Pumasa na ang ordinansa sa third and final reading noong August 1 at maipatutupad ito matapos ang isang taon kapag ganap nang naisabatas. (Ito Ang Balita ni Rey Pelayo/Marje Navarro, UNTV News)














Recent Comments