PISTON, Nagsagawa ng Noise Barrage Kontra Oil Price Hike
MANILA, Philippines – Nagsasagawa ng noise barrage ang mga miyembro ng Pinag-Isang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (PISTON) sa Philcoa, Quezon City.
Bunsod ito ng pinakahuling pagtaas ng presyo ng gasolina kahapon na pang-siyam na beses na ngayong taon.
Sinabi ni Piston President George San Mateo na hiwalay pa ito sa kanilang nakakasang malawakang kilos protesta sa buwan ng Setyembre.
Nilinaw naman ni San Mateo na hindi ito isang tigil pasada kundi isang noise barrage lamang. Aniya, bagama’t halos P200 na lamang ang naiuuwing arawang kita ng mga tsuper, hindi pa nila ihihirit ang dagdag-pasahe dahil sa nangyaring pagbaha sa Metro Manila na nakaapekto sa publiko. (Joshua Antonio/Marje Navarro, UNTV News)














Recent Comments