Pangulong Aquino, Pinaiimbestigahan Na Ang Mga Opisyal Ng Pamahalaan Na Umano’y Sangkot Sa Illegal Logging Activities

FILE PHOTO: 25th anniversary of the DENR, June 19, 2012: President Aquino leads the ceremonial planting of the 100 millionth seedling for the National Greening Program. (Malacañang Photo Bureau)
Davao City, Philippines — Muling binigyang diin ni Pangulong Benigno Aquino III ang kanyang mariing pagtutol sa illegal logging sa bansa.
Ayon sa Pangulo, anim na alkalde mula sa Mindanao ang sumasailalim ngayon sa imbestigason dahil sa pagkakasangkot sa illegal logging.
Dahil aniya sa pagwawalang bahala ng ilang mga lokal na opisyal ay talamak pa rin ang illegal logging kaya dapat managot ang mga ito sa taong-bayan.
“Ako po ay hindi nila sineryoso. So, thank you hindi niyo ‘ko sineryoso, hinamon niyo ‘ko kaya ngayon ay pinagpapaliwanag ang hindi bababa sa anim na Mayor binigyan pong show cost order and explain why no cases should be filed against you.”
Inanunsiyo din nito ang pagkakatanggal sa puwesto ng ilang police officials dahil sa kabiguan na ipatupad ang kautusan na nagbabawal sa iligal na pagpuputol ng mga puno.
Ayon pa sa Pangulo, walang lugar sa kanyang pamahalaan ang mga iresponsableng opisyal.
“Ni-relieve po ang isang provincial director, isang city director, at anim na chiefs of police”
Binatikos din nito ang 31 empleyado ng DENR mula sa Region 11 at 13 na tinanggal sa puwesto matapos na masabat ng mga kawani ng kagawaran ang mahigit animnapung container van na naglalaman ng illegally cut woods.
“Ito po ay umpisa pa lang. 31 DENR officers tinanggal na rin. Kung kayo sa sobrang takaw ninyo kinakalimutan ninyo ang kapakanan ng inyong mga kababayan humanda kayo may magpapanagot sa inyo at ako po ang gagawing instrument ng taong-bayan para managot kayo” pahayag pa ng Pangulo. (Ito Ang Balita ni Louell Requilman, UNTV News)














Recent Comments