Pangulong Aquino, Naging Emosyonal sa Paggunita ng Ika-40 Selebrasyon ng Martial Law sa Nueva Ecija

Si Pangulong Benigno Aquino III sa pagpapasinaya ng Aquino-Diokno Memorial at Armed Forces of the Philippines Center for Human Rights Dialogue sa Fort Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija nitong Biyernes, September 21, 2012. (Photo by Malacañang Photo Bureau)
NUEVA ECIJA, Philippines – Pinangunahan mismo ni Pangulong Benigno Aquino III ang pag-gunita sa ika-40 anibersaryo ng Martial Law sa Fort Ramon Magsaysay, Palayan City, Nueva Ecija.
Sa talumpati ng Pangulo, emosyonal nitong isinalarawan ang naging karanasan ng kanyang ama na si dating senador Benigno Aquino Jr. at dating senador Jose Diokno noong panahon ng Martial Law ng rehimeng Marcos.
“Lalong nag-alab ang aking galit sa diktadurya nang makita kong duguan at bugbog na mukha ang katawan niyang nakahandusay, aaminin ko hanggang ngayon mahirap pa rin sa akin balikan at panoorin ang mga video ng kanyang mga huling sandali sa kanyang buhay,” paglalahad ni Pangulong Aquino.
Kasama rin ng pangulo sa nasabing pagtitipon sina Defense Secretary Voltaire Gazmin, kapatid na si Ballsy Aquino Cruz at Commissioner Maria Serena Diokno ng National Historical Commission.
“Martial law was the time of anxiety and uncertainty and yet it gave us a opportunity to leniently and compassionately awaken us to a unique sense of love of country,” pahayag naman ni Ballsy Aquino-Cruz na kapatid ni Pangulong Aquino.
Kasabay ng pagtitipon, pinasinayaan din ang Aquino-Diokno Memorial at Armed Forces of the Philippines Center for Human Rights Dialogue (ACHRD).
Ito ay bilang simbolo ng pagyakap ng Department of National Defense at ng sandatahang lakas nito sa prinsipyo ng karapatang pantao.
“We heightened today by the AFP’s paradigm ship in the establishment of the AFP Center for Human Rights Dialogue. This is really a manifestation that human rights and the rule of law is the core of their programs,” pahayag ni Atty. Loreta Ann Rosales ng Region 3 Human Rights Commission.
Umaasa naman ang Hukbong Sandatahan ng Pilipinas na magiging tulay ang ACHRD para sa magandang unawaan sa pagitan ng kanilang mga tauhan at ng iba’t ibang sektor upang mapabilis ang proseso ng kapayaan at pag-unlad ng bansa. (Grace Doctolero/Ruth Navales, UNTV News)














Recent Comments