Published On: Mon, Feb 25th, 2013

Panagbenga Festival sa Baguio City, dinayo ng mga turista

AERIAL SHOT: Ang taunang pagdiriwang sa Baguio City na tinaguriang Panagbenga Festival na dinadayo ng mga turistang lokal at banyaga. (PHOTOVILLE International / Jun Rafanan)

AERIAL SHOT: Ang taunang pagdiriwang sa Baguio City na tinaguriang Panagbenga Festival na dinadayo ng mga turistang lokal at banyaga. (PHOTOVILLE International / Jun Rapanan)

BAGUIO CITY, Philippines — Dinumog ng mga turista ang taunang selebrasyon ng Panagbenga Festival sa summer capital ng bansa.

Kahit mainit ang sikat ng araw at napaka-sikip ng daloy ng trapiko, hindi ito alintana ng mga taong matiyagang nanood ng parada.

“You know for the first time I’m visiting this festival of Baguio, I see this amazing, amazing really,” pahayag ni Surge Dolavu na mula pa sa France.

“I might come back again another year got some of my friends if we can come across the Philippines from England,” pahayag naman ni Andy Rout mula sa England.

Tampok sa pagdiriwang ang makukulay at magagarbong float parade.

Ayo kay Anthony De Leon, ang co-Chairman ng Baguio Flower Festival Foundation Inc., (BFFFI), umabot sa17 ang mga lumahok sa float parade na mula pa sa iba’t- ibang panig ng bansa.

“Napakakulay, napakaraming tao, and nakita natin na for this year napakaganda talaga ng mga floats na ginawa ng ating mga competitors. Nag-level-up yung quality of the presentation of the floats kaya talagang ito’y isang event na dinadayo ng mga tao para ma-witness yung Panagbenga.”

Samantala, naging star-studded rin ang pagdiriwang ng Panagbenga Festival dahil sa pagdagsa ng mga artista na nakiisa sa selebrasyon. (Bryan Lacanlale & Ruth Navales, UNTV News)

Bukod sa mga float ng mga iba't-ibang klaseng bulaklak ay inaabangan din ang mga street dance na naka-costume ng mga bulaklak. (PHOTOVILLE International / Jun Rapanan)

Bukod sa mga float ng mga iba’t-ibang klaseng bulaklak ay tampok din ang mga street dance na naka-costume ng mga bulaklak. (PHOTOVILLE International / Jun Rapanan)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>