Published On: Mon, Mar 18th, 2013

Pambato ng Pilipinas sa 2013 SEA Games, puspusan na ang trainings

Ang official website ng 2013 South East Asian Games (www.mmseagames2013.com)

Ang official website ng 2013 South East Asian Games (www.mmseagames2013.com)

MANILA, Philippines – Puspusan na ang ginagawang pageensayo ng national diving team ng Pilipinas sa paglahok sa 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar sa Disyembre.

Nitong nakaraang lingo, lumahok ang Philippine Diving team sa 2nd Club Punta Fuego Cliff Diving Invitational Challenge sa Nasugbo, Batangas.

Tinanghal na kampeon sa senior men’s category si 2003 Southeast Asian Games gold medalist Rexel Ryan Fabriga.

Ayon kay Rexel, bahagi pa rin ito ng kanilang ginagawang paghahanda para sa Myanmar SEA Games.

“Nag-practice lang po kami ng maigi, bale pinaghandaan po talaga namin, kasama yung bago kung coach na si Coach Brian. Nagpapasalamat po ako sa lahat ng tumulong sa Philippine diving team,” pasasalamat ni Rexel.

Ayon sa beteranong diver, pinag-aaralan nila ngayon ang ilang mahihirap na skills na kanilang gagamitin sa nalalapit na biennial sporting event sa Mayanmar.

Asahan umano na ibibigay ng pambansang koponan ang lahat ng kanilang makakaya sa nasabing kompetisyon.

“Wala naman nagagawang maayos kung pa-relax-relax lang. Kailangan pagpursigihan kung ano yung gusto mong makamit. Gagawin po namin ang lahat ng makakaya namin ngayong darating na SEA Games sa Myanmar. Asahan nyo po na ibibigay po namin yung pinaka the best namin.”

Noong 2011 SEA Games, nakapag-uwi ang Philippine diving team ng isang gold medal at dalawang silver. (Ryan Ramos & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>