Published On: Mon, Feb 4th, 2013

Pagiging Kasambahay, Gagawing Propesyon

FILE PHOTO: Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz (UNTV News)

FILE PHOTO: Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz (UNTV News)

MANILA, Philippines — Inilalatag na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang kanilang programa na layuning gawing ganap na propesyunal ang mga kasambahay.

Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, makakatuwang nila ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) sa pagbibigay ng training sa mga nais mamasukan bilang kasambahay.

Ayon sa DOLE, dadaan sa training sa housekeeping, assessment at basic skills ang mga nais mamasukan at kung makakapasa ay tatanggap ng sertipikasyon.

Ayon kay Baldoz, sakaling maisakatuparan ang programa, lalawak ang oportunidad ng mga kasambahay at maaari na rin silang makapagtrabaho sa ibang industriya.

Nilinaw naman ni Baldoz na hindi na ire-require sa training ang mga may karanasan na sa pagiging kasambahay. (UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>