Published On: Mon, Feb 25th, 2013

Paggunita sa ika-27 Anibersaryo ng EDSA People Power, pinangunahan ni Pangulong Aquino

SI Pangulong Benigno Aquino III habang nagbigbigay ng ilang mensahe kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng EDSA sa shrine nito kaninang umaga. (Photo by Malacañang Photo Bureau)

Si Pangulong Benigno Aquino III habang nagbigbigay ng ilang mensahe kaugnay sa pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng EDSA sa shrine nito kaninang umaga. (Photo by Malacañang Photo Bureau)

MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang selebrasyon ng ika-27 Anibersaryo ng EDSA Revolution sa People Power Monument sa Quezon City kaninang umaga.

Sa kanyang talumpati, inihayag ng pangulo ang ilang mahahalagang aral na makukuha sa makasaysayang pangyayari.

Inalala rin ng Pangulo ang mga Pilipinong nakaranas ng karahasan at kahirapan sa ilalim ng batas military sa rehimen ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Sinabi pa ni Pangulong Aquino na magpapatuloy ang laban ng EDSA People Power Revolution sa pamamagitan ng ginagawang pagtugis ng kanyang administrasyon sa mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

“Malinaw po, nariyan pa rin ang mga nakinabang sa nakaraang status quo. Kung madadapa po tayo, kung bibitaw tayo sa isat-isa, kung magpapadaig tayo sa tukso ng pagkakanya-kanya… tiyak na sasalisi sila at magsasamantala sila.”

Hinikayat rin ng Pangulo ang taumbayan na suportahan ang mga ginagawang reporma ng pamahalaan.

“Kung dati humarap tayo sa posibilidad ng karahasan upang makamtan ang kalayaan, ngayon kailangan muli nating lumaban upang tuluyan ngang mapitas ang bunga ng sakripisyo ng mga nauna sa atin.” (Nel Maribojoc & Ruth Navales, UNTV News)

Leave a comment

XHTML: You can use these html tags: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>